Maaaring maging komplikado ang pag-unawa sa Medicare – pero nandito kami para tumulong. Makakatulong sa iyo ang mga madalas itanong (frequently asked questions, FAQs) na maunawaan ang iyong mga opsyon at maging mas panatag ang loob sa iyong saklaw. Alamin ang higit pa tungkol sa Medicare Advantage Plans (MA-PD) at Medicare Supplement plans. Tuklasin kung paano gumagana ang Medicare Prescription Drug Plan (PDP) at kung paano masulit ang iyong coverage sa iniresetang gamot. Makakahanap ka rin ng impormasyon tungkol sa aming Dual Eligible Special Needs Plan (HMO D-SNP) at pang-emergency na pangangalaga. 

Anong uri ng mga plano para sa mga benepisyaryo ng Medicare ang inihahandog ng Blue Shield?

May apat kaming iba't ibang plano para tugunan ang iyong pangangailangan: Medicare Advantage Prescription Drug Plans, Medicare Supplement plans, Medicare Prescription Drug Plans, at isang Dual Eligible Special Needs Plan.  Alamin ang higit pa tungkol sa mga plano namin  o tumawag sa (800) 260-9607 (TTY: 711)*.
 

Paano mo malalaman ang magiging gastos mo sa medikal o inireresetang gamot?

Para maunawaan ang iyong mga gastos, makipag-ugnayan sa iyong Tagapayo sa Blue Shield Medicare, o kung miyembro ka ng Blue Shield of California, tumawag sa Customer Service sa numero na nasa ID card mo bilang miyembro ng Blue Shield. Puwede ka ring mag-log in sa online account mo para makuha ang impormasyong ito.


Paano ka makakakuha ng medikal na kagamitan at sakop ba ito?

Ang matibay na kagamitang medikal (Durable medical equipment, DME) ay isang uri ng medikal na kagamitan na inorder ng doktor mo para sa medikal na dahilan. Ang mga halimbawa ng DME ay mga walker, wheelchair, at kamang pang-ospital. Ang DME ay sakop ng Medicare. Maaaring magkakaiba ang mga gastusing mula sa sariling bulsa ng bawat miyembro. Ito ay sinasaklaw sa aming Medicare Advantage Prescription Drug Plans. Kung naka-enroll ka sa Dual Eligible Special Needs Plan, sasaklawin ng Medi-Cal ang karagdagang DME na hindi sinasaklaw ng Medicare. Kailangan ang paunang pahintulot para sa DME. Ibig sabihin, dapat munang kumuha ng pag-apruba ang doktor mo o supplier mula sa Blue Shield bago mo matanggap ang kagamitan. Para sa mga detalye, tingnan ang Buod ng Mga Benepisyo (Summary of Benefits, SOB) o Ebidensya ng Saklaw (Evidence of Coverage, EOC) o ang handbook ng miyembro para sa mga miyembro ng Dual Eligible Special Needs Plan.

Para sa Medicare Supplement plans, sinasaklaw ng Original Medicare Part B ang mga saklaw na DME na medikal na kinakailangan. Para maunawaan ang mga benepisyo ng Original Medicare, tingnan ang handbook na “Medicare and You.” Tingnan ang iyong SOB para sa partikular na saklaw ng Medicare Supplement plans para sa mga gastusing mula sa sariling bulsa na kaugnay sa mga detalye ng deductible/pagbabahagi ng gastos sa Medicare Part B.
 

Saklaw ba ang pang-emergency na pangangalaga?

Para sa aming Medicare Advantage Prescription Drug Plan at ang aming Dual Eligible Special Needs Plan, ang pang-emergency na pangangalaga ay saklaw. Para sa mga miyembro ng Medicare Advantage Prescription Drug Plan, pakitingnan ang iyong EOC para sa mga detalye. Para sa mga miyembro ng Dual Eligible Special Needs Plan, pakitingnan ang handbook ng miyembro.

Para sa Medicare Supplement plans, karaniwang sinasaklaw ng Original Medicare Part B ang mga serbisyo ng emergency department. Para maunawaan ang mga benepisyo ng Original Medicare, tingnan ang handbook na “Medicare and You.” Tingnan ang iyong SOB para sa partikular na saklaw ng Medicare Supplement plans para sa mga gastusing mula sa sariling bulsa na kaugnay sa mga detalye ng deductible/pagbabahagi ng gastos sa Medicare Part B.
 

Ano ang catastrophic coverage?

Ang catastrophic coverage ay ang yugto ng pagbabayad ng gamot sa Part D na Benepisyo ng Gamot na nagsisimula kapag ikaw (o iba pang kwalipikadong partido sa ngalan mo) ay gumastos na ng $2,100 para sa mga saklaw na gamot ng Part D sa loob ng taon. Sa yugto ng pagbabayad na ito, wala kang babayaran para sa mga saklaw na Part D na gamot.

Tandaan na hindi ito nalalapat sa Medicare Supplement plans.
 

Sasaklawin ba kapag nasa labas ako ng lugar ng serbisyo ng plano ko? 

Sinasaklaw ng aming Medicare Advantage Plans at ng aming Dual Eligible Special Needs Plan ang pang-emergency na pangangalaga o ang mga kailangang-kailangang serbisyo sa labas ng iyong lugar ng serbisyo. Tingnan ang EOC/Handbook ng Miyembro ng plano para sa karagdagang impormasyon, lalo na sa seksyong Pang-emergency na pangangalaga at Mga kailangang-kailangang serbisyo sa Chart ng mga Medikal na Benepisyo. Ang mga halimbawa ng agarang kinakailangang mga serbisyo ay ang mga di-inaasahang medikal na karamdaman at pinsala, o di-inaasahang paglala ng mga umiiral na kondisyon. Gayunpaman, ang medikal na kinakailangang karaniwang pagbisita sa provider, tulad ng mga taunang pagpapatingin, ay hindi itinuturing na agarang kinakailangan kahit na nasa labas ka ng lugar ng serbisyo ng plano o pansamantalang hindi magamit ang network ng plano. Sinasaklaw ng aming mga plano ang pang-emergency na pangangalaga sa buong mundo at ang mga kailangang-kailangang serbisyo sa labas ng Estados Unidos at sa mga teritoryo nito. Tingnan ang seksyon na Pang-emergency na pangangalaga at Mga kailangang-kailangang serbisyo sa Chart ng mga Benepisyong Medikal ng iyong plano sa EOC/Handbook ng Miyembro para sa higit pang impormasyon tungkol sa babayaran mo at mga taunang limitasyon.

Ang mga piniling miyembro ng Medicare Supplement plans ay may ilang saklaw para sa ilang medikal na kinakailangang pang-emergency na pangangalaga sa labas ng California. Tingnan ang iyong SOB para sa higit pang impormasyon.

Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP plan na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.

Y0118_25_429A1_M Accepted 09212025
H2819_25_429A1_M Accepted 09212025


Huling na-update ang page: 10/1/2025