Serbisyo at gabay para sa customer
Nariito kami para tulungan ka sa bawat hakbang, sa pamamahala ng iyong plano, pag-unawa sa iyong mga benepisyo, at iba pa.
Nariito kami para tulungan ka sa bawat hakbang, sa pamamahala ng iyong plano, pag-unawa sa iyong mga benepisyo, at iba pa.
Makipag-usap na ngayon sa isang eksperto.
Kung hindi ka sigurado kung aling numero ang tatawagan, tingnan ang iyong ID card bilang miyembro ng Blue Shield.
Mga miyembro ng Medicare Advantage
 (800) 776-4466 (TTY: 771)
 8 a.m. hanggang 8 p.m. PT, pitong araw sa isang linggo
Mga miyembro ng Medicare Advantage sa California Public Worker Retirement System (CalPERS)
 (888) 802-4599 (TTY: 771)
 7 a.m. hanggang 8 p.m. PT, pitong araw sa isang linggo
Mga miyembro ng Medicare Advantage sa San Francisco Health Service System (SFHSS)
 (800) 370-8852 (TTY: 711) 
 8 a.m. hanggang 8 p.m. PT, pitong araw sa isang linggo
Kailangan mo ba ng tulong sa pagkuha ng pangangalaga?
Makakatulong ang mga Coordinator ng Pangangalaga sa mga appointment, pangangalaga sa loob ng bahay, paunang pahintulot at iba pa. Para malaman ang tungkol sa Mga Coordinator ng Pangangalaga, tumawag sa numero ng Customer Service na nakalista sa itaas.
Para sa mga miyembro na parehong kwalipikado sa Medicare at Medi-Cal.
Dual Eligible Special Needs Plans (D-SNP)
 (800) 452-4413 (TTY: 771)
 8 a.m. hanggang 8 p.m. PT, pitong araw sa isang linggo
Kailangan mo ba ng tulong sa pagkuha ng pangangalaga?
Makakatulong ang mga Coordinator ng Pangangalaga sa mga appointment, pangangalaga sa loob ng bahay, paunang pahintulot at iba pa. Para malaman ang tungkol sa Mga Coordinator ng Pangangalaga, tumawag sa numero ng Customer Service na nakalista sa itaas.
Para sa mga miyembrong bumili ng Medicare Supplement at/o Prescription Drug Plan (PDP) para sa karagdagang saklaw ng Original Medicare.
Medicare Supplement Plan
 (800) 248-2341 (TTY: 771)
 8 a.m. hanggang 8 p.m. PT, pitong araw sa isang linggo
Prescription Drug Plan
 (888) 239-6469 (TTY: 771)
 8 a.m. hanggang 8 p.m. PT, pitong araw sa isang linggo
Mas marami pang inaalok ang iyong plano kaysa sa inaakala mo. Alamin na ngayon ang tungkol sa mga opsyon tulad ng pangangalaga sa paningin at Teleadoc.
Tuklasin ang 6 na paraan para makakuha ng mabilis na pangangalaga kahit na busy ang iyong doktor. Pahiwatig: Hindi mo na kailangang pumunta nang personal.
Pinapadali ng online account ang pamamahala ng iyong plano:
Puwede kang:
• Mag-download ng iyong digital ID card bilang miyembro ng Blue Shield
• I-check ang iyong mga benepisyo at gastos
• Maghanap ng mga doktor at espesyalista
• Tumingin ng lahat ng iyong record sa kalusugan at mga reseta sa iisang lugar.
Ginagawang mas madali ng app ang pag-access ng iyong account kapag kayo ay nasa biyahe. Parehong impormasyon ito, pero gamit ang smartphone mo. Parehong available ito sa iOS at Android.
Alamin ang higit pa tungkol sa aming app
Ang referral ay isang kahilingan mula sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) para sa appointment sa isang espesyalista. Ang espesyalista ay provider na nakatuon sa isang partikular na karamdaman o bahagi ng katawan tulad ng doktor sa puso, surgeon o physical therapist:
Kailan ko kailangan ng referral?
• Kung mayroon kang HMO plan, kakailanganin mo ng referral mula sa iyong PCP para makapagpatingin sa isang espesyalista.
Kailan ko HINDI kailangan ng referral?
• Kung mayroon kang PPO plan
• Para makatanggap ng pang-emergency o agarang pangangalaga
Paano gumagana ang referral?
Kadalasang ginagawa ang referral sa panahon ng pagbisita sa iyong PCP. Maaari mo ding kontakin ang iyong provider para humiling ng referral. Pagkatapos ay ipapadala ng iyong provider ang referral sa opisina ng espesyalista kasama ang mga kaugnay na impormasyong medikal.
Maaaring tumagal ng ilang araw bago maproseso ang mga referral. Ang pinakamahusay na paraan para malaman ang status ng iyong referral ay tumawag sa opisina ng iyong provider. Hilingin ang numero ng telepono ng espesyalista para makatawag ka at makagawa ng appointment pagkatapos maproseso ang referral.
Paano kung puno na ang schedule ng espesyalistang ni-refer sa akin?
Maaari kang i-refer ng iyong provider sa isang espesyalista na napaka-busy ang schedule. Sa ganitong sitwasyon, tawagan ang Customer Service. Matutulungan ka naming makahanap ng mga appointment sa iba pang espesyalista para mas maaga kang maalagaan.
Ang paunang pahintulot ay kahilingan para sa paunang pag-apruba ng ilang partikular na test, pamamaraan, kagamitang medikal, at mga gamot na inorder para sa iyo. Dapat na makatanggap ang provider mo ng pag-aprubang iyon mula sa Blue Shield bago siya magpatuloy.
Susuriin ng team ng Blue Shield ang kahilingan para sa paunang pahintulot para matiyak na saklaw ito ng Medicare at na ang pangangalaga ay naaayon sa pinakamahusay na klinikal na pananaliksik. Kung wala ang paunang pag-apruba na ito, maaaring hindi bayaran ng Blue Shield ang iyong gamot o medikal na pamamaraan. Pagkatapos ay kailangan mong magbayad mula sa sariling bulsa.
Sino ang magsisimula sa proseso ng paunang pahintulot?
Karaniwan, ang iyong provider ang nagsisimula ng proseso sa pamamagitan ng pagsusumite ng kahilingan para sa iyo. Kasama rito ang mga detalye tungkol sa iyong diagnosis at kung bakit kailangan ang serbisyo o gamot.Ang mga paunang pahintulot ay karaniwang inaabot ng 1 hanggang 3 araw.
Para malaman kung naproseso na ang iyong paunang pahintulot, mayroon kang dalawang opsiyon:
• Mag-log in sa iyong account. Sa ilalim ng dropdown menu na "myblueshield," piliin ang "Prior authorization." Makikita dito ang listahan ng lahat ng kahilingan para sa paunang pahintulot, pati na ang mga inaprubahan ng Blue Shield.
• Tawagan ang Customer Service o ang opisina ng iyong doktor. Makakatulong sila para matukoy ang status ng iyong paunang pahintulot. Kung kailangan mo ng tulong sa pagproseso ng paunang pahintulot, tawagan ang Customer Service para sa tulong.
Paano kung tinanggihan ang aking paunang pahintulot?
May karapatan kang mag-apela kung tinanggihan ng Blue Shield ang iyong kahilingan sa paunang pahintulot.
Matuto nang higit pa tungkol sa Mga Apela at Karaingan
Y0118_25_511A_C 09222025
 H2819_25_511A_C 09222025
Huling na-update ang pahina: 10/01/2025
Medicare has neither reviewed nor endorsed this information. Blue Shield of California is an HMO, HMO D-SNP, PPO, and PDP plan with a Medicare contract and a contract with the California State Medicaid Program. Enrollment in Blue Shield of California depends on contract renewal. 1