Mahalaga na maglaan ng budget para sa mga gastusin sa Medicare mula sa sariling bulsa. Inilalarawan ng mga sumusunod na seksyon ang mga gastos na iyon nang mas detalyado para makapaghanda ka at makapili ng plano na tugma sa iyong mga pangangailangan.
 

Magkano ang gastos sa Medicare?

Sa pangkalahatan, may buwanang premium para sa saklaw ng Medicare at mga bayarin para sa pangangalagang natanggap. May iba't ibang mga gastusing mula sa sariling bulsa na nauugnay sa Medicare Part A, B, C at D. 
 

Part A

Ang Part A ang nagbabayad para sa mga serbisyong natanggap mo kung nanatili ka sa ospital para makatanggap ng pangangalaga. Karamihan ay hindi kailangang magbayad ng buwanang premium para sa Part A, halimbawa ay kung ikaw o ang iyong asawa ay nagbayad ng mga buwis sa Medicare nang hindi bababa sa 10 taon habang nagtatrabaho. Kakailanganin mong tumulong na saklawin ang gastos ng ilang bayarin kapag nakatanggap ka ng pangangalaga. Ang mga gastusing ito ay nasa anyo ng mga deductible at copayment.

Kung na-admit ka sa ospital, asahan na kailangan mong babayaran ang mga sumusunod:

  • Ang deductible ay ang halagang babayaran mo bago magbayad ang iyong insurance.
  • Para sa Part A (pagpapaospital), ang deductible ay $1,676 para sa bawat panahon ng benepisyo.1

Coinsurance para sa Part A

Ang coinsurance ay ang porsyento ng medikal na bill na babayaran mo pagkatapos na matugunan ang iyong deductible. Para sa Part A, ang coinsurance ay isang nakatakdang halaga ng dolyar na babayaran mo para sa mga saklaw na araw na namalagi sa ospital. Nasa ibaba ang mga halaga ng coinsurance para sa Part A:

  • Ika 1-60 araw: $0
  • Ika 61-90 araw: $419 bawat araw
  • Ika-91 araw pataas: $838 bawat araw, hanggang sa nagamit mo na ang iyong mga araw ng lifetime reserve. Mayroon kang 60 araw na reserve sa buong buhay mo.
  • Coinsurance para sa pasilidad ng sanay na pag-aalaga: Umaabot ng hanggang sa $209.50 bawat araw para sa 21-100 araw para sa bawat panahon ng benepisyo.

Kung ang haba ng pananatili mo sa ospital ay higit sa numero ng araw iyong reserba, ikaw ang magbabayad para sa natitirang mga gastos sa ospital. 

 

Part B

Babayaran ng Part B ang mga serbisyo ng doktor at mga outpatient na serbisyo sa ospital. Sinasaklaw ng Part B ang mga kinakailangang medikal na paggamot at serbisyong pangkalusugan na pang-iwas sa sakit. Magbabayad ka ng buwanang premium para sa saklaw na ito, na maaaring awtomatikong ibabawas mula sa Social Security na mga benepisyo mo.

Ang karamihan ay nagbabayad ng karaniwang buwanang premium, na itinatakda kada taon. Sa 2025, ang karaniwang buwanang halaga ng premium ng Part B ay $185 ($2,220 bawat taon). Kung ikaw ay higit sa $106,000 sa isang taon, magbabayad ka ng mas mataas na premium. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang resource ng Social Security Administration: Mga premium: Mga panuntunan para sa Mga Benepisyaryo ng Mas Mataas na Kita.
 

Deductible para sa Medicare Part B

Sa Medicare Part B, mayroon kang nakatakdang deductible. Para sa 2025, ang Taunang deductible para sa Part B ng Medicare ay $257.00, na minsan mo lamang babayaran sa isang taon. Pagkatapos na natugunan na ang iyong deductible, karaniwang magbabayad ka ng mga 20% para sa mga sumusunod:

  • Karamihan ng mga serbisyo ng doktor
  • Matibay na kagamitang medikal (Durable medical equipment, DME)
  • Outpatient na therapy
     

Part C:

Ang Part C ay Medicare Advantage Plans at ang mga gastusing mula sa sariling bulsa ay maaaring mag-iba-iba. Karaniwang gumagana ang Medicare Advantage Plans tulad ng isang HMO o PPO plan na may karaniwang mga gastusing mula sa sariling bulsa tulad ng:

  • Mga buwanang premium
  • Taunang deductible
  • Mga copayment 


Part D:

Nagbibigay ang Medicare Part D ng stamdalone na saklaw para sa iyong mga reseta at makakatipid ka sa paglipas ng panahon. Kabilang sa mga gastusing mula sa sariling bulsa na aasahan mo para sa Medicare Part D ang:

  • Buwanang premium
  • Taunang deductible
  • Nakatakdang halaga (copay) o nakatakdang porsyento (coinsurance) para sa bawat reseta
  • Magsisimula ang catastrophic na saklaw sa Part D para sa 2026 sa sandaling umabot na sa $2,100 ang mga gastusing mula sa sariling bulsa.
    • Sa sandaling nakapagbayad ka na ng $2,100 para sa mga gamot, ang iyong gastos para sa mga gamot ay magiging $0.  

Kumuha ng karagdagang impormasyon

Kumonekta sa amin

Alamin ang sagot sa iyong mga tanong tungkol sa Medicare. Tawagan ang isang tagapayo ng Blue Shield Medicare sa (800) 260-9607* (TTY: 711) o mag-book ng appointment online. Hindi ka obligadong mag-enroll.

Sumali sa isang event ng Medicare

Dumalo sa libreng live o online na seminar para matuto pa tungkol sa Medicare at masagot ang mga tanong mo. 

Mag-download ng libreng booklet†

Kumuha ng libreng kopya ng Iyong mga Opsiyon sa Medicare para maunawaan ang iyong mga pagpipiliang saklaw.

1 Sinusukat ng Original Medicare ang iyong paggamit ng mga serbisyo ng ospital at pasilidad ng sanay na pag-aalaga (skilled nursing facility, SNF) sa pamamagitan ng “mga panahon ng benepisyo.” Nagsisimula ang panahon ng benepisyo sa araw na na-admit ka bilang inpatient sa isang ospital o SNF. Matatapos ang panahon ng benepisyo kapag hindi ka na tumatanggap ng anumang inpatient na pangangalaga sa ospital (o sanay na pangangalaga sa isang SNF) sa loob ng sunud-sunod na 60 araw. Kung pumunta ka sa ospital o SNF pagkatapos na matapos ang isang panahon ng benepisyo, may isang bagong panahon ng benepisyo na magsisimula. Dapat mong bayaran ang inpatient na deductible sa ospital para sa bawat panahon ng benepisyo. Walang limitasyon sa numero ng mga panahon ng benepisyo. Ang halagang ito ay maaaring magbago simula Enero 1, 2026.

Ang mga halaga para sa 2025 ay maaaring magbago para sa 2026.

Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.  

Y0118_25_381B1_M Accepted 09212025
H2819_25_381B1_M Accepted 09212025

Huling na-update ang pahina: 10/1/2025