Pumunta sa Pahina na 2025 Formulary ng Gamot ng Medicare
Bawat Blue Shield of California Medicare Advantage at Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D) ay mayroong listahan ng mga gamot na sinasaklaw nito. Tinatawag na formulary ang listahang ito. Maaari mong ma-access ang listahan ng mga covered na gamot sa aming Medicare Advantage at Medicare Prescription Drug Plans (Medicare Part D) (tingnan ang seksyon na Formulary ng bawat plano sa ibaba).
Paano gumagana ang mga formulary ng Medicare:
Bawat formulary ng Blue Shield of California ay naglalaman ng mga gamot na sinuri at inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA). Palaging pinapabuti at ina-update ng Blue Shield Pharmacy and Therapeutics (P&T) Committee ang formulary para tiyakin na natutugunan nito ang lahat ng kahilingan ng Medicare para sa mga kasama at hindi-kasamang gamot.
Kasama sa Blue Shield P&T Committee ang mga doktor at mga clinical pharmacist mula sa aming mga network ng provider at pharmacy. Ang mga bumubotong miyembro ng committee ay hindi mga empleyado ng Blue Shield of California. Para tulungan ang mga doktor sa pagreseta ng medikal na naaangkop at sulit na mga gamot, sinusuri ng P&T Committee ang:
- Medikal na literatura
- Mga label ng gamot ng FDA
- Pambansang mga alituntunin ng paggamot para i-update ang formulary at pamantayan ng paunang pahintulot ng gamot
Lahat ng inirekumendang pagbabago sa mga formulary at pamatanyan ng paunang pahintulot ng gamot ng Blue Shield of California Medicare ay inaaprubahan muna ng Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS), na siyang nangangasiwa sa programa ng Medicare.
Kapag hindi sinasaklaw ng iyong plano ang isang partikular na gamot, maaari mong hilingin sa Blue Shield of California na gumawa ng pagbubukod sa mga tuntunin na namamahala sa saklaw. Puntahan ang Mga pagpapasya at pagbubukod sa saklaw na page para sa higit pang impormasyon.
Mayroon bang mga gamot na hindi kasama sa Medicare Advantage Prescription Drug o Medicare Prescription Drug plans?
Ang isang gamot ay hindi saklaw ng Medicare Advantage Prescription Drug Plan o Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D) kung ang pagbabayad para sa gamot na iyan ay available sa ilalim ng Part A o B ng Medicare. Halimbawa, hindi maaaring saklawin ang isang gamot kung ibinigay sa pasyente mula sa isang ospital o sa opisina ng doktor. Hindi rin isinasama ng Medicare ang mga gamot na mula sa mga sumusunod na kategorya:
- Mga gamot na hindi inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA)
- Mga hindi iniresetang gamot (tinatawag ding mga over-the-counter na gamot)
- Mga gamot na ginamit para sa kakayahang magkaanak
- Mga gamot na ginamit para sa pagpapahupa ng ubo o mga sintomas ng sipon
- Mga gamot na ginamit para sa kosmetiko o para pabilisin ang paghaba ng buhok
- Mga vitamin na nangangailangan ng reseta at mga produktong mineral, maliban sa mga bitamina at fluoride na ginagamit bilang paghahanda bago manganak
- Mga gamot na ginamit para sa paggamot sa sexual o erectile dysfunction, gaya ng Viagra, Cialis, Levitra, at Caverject
- Mga gamot na ginamit para sa anorexia, pagbabawas ng timbang o pagdagdag ng timbang
- Mga outpatient na gamot kung saan nilayong hiniling ng manufacturer na ang mga nauugnay na pagsusuri o mga serbisyo ng pagsubaybay ay eksklusibong bilhin mula sa manufacturer bilang isang kundisyon ng pagbebenta
Tandaan: Ang mga gastusing nauugnay sa mga gamot na ito ay hindi malalapat sa iyong aktuwal na gastos na galing sa bulsa (true out-of-pocket expenses, TrOOP). Para sa higit pang impormasyon, mangyaring sumangguni sa mga dokumento ng Sentro para sa Mga Serbisyo ng Medicare at Medicaid (Centers for Medicare and Medicaid Services, CMS) na Pag-unawa sa aktuwal na mga gastusing mula sa sariling bulsa (True Out-of-Pocket Costs, TrOOP). Ang impormasyong ito ay hindi kumpletong paglalarawan ng mga benepisyo. Makipag-ugnayan sa numero ng Customer Service sa iyong ID card.
Mga diabetic test strip ng Medicare Part B
Para sa Blue Shield 65 Plus (HMO), Blue Shield 65 Plus Plan 2 (HMO), Blue Shield Inspire (HMO), Blue Shield 65 Plus Choice Plan (HMO), Blue Shield Medicare (PPO), at Blue Shield Advantage (HMO), tingnan ang sumusunod para sa higit pang impormasyon.
Alamin ang tungkol sa Part B na piniling mga diabetic test strip:
Para sa Blue Shield AdvantageOptimum Plan (HMO), Blue Shield AdvantageOptimum Plan 1 (HMO), at Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) sa mga county ng Los Angeles and San Diego, tingnan ang sumusunod para sa higit pang impormasyon.
Alamin ang tungkol sa Part B na piniling mga diabetic test strip:
Mahalagang mensahe tungkol sa iyong mga gastusin para sa mga bakuna at insulin:
- Ang babayaran mo para sa Paxlovid – sinasaklaw ng aming plano ang Paxlovid nang libre para sa iyo, kahit na hindi mo natugunan ang iyong nababawas o deductible, kung naaangkop.
- Ang babayaran mo para sa mga bakuna – sinasaklaw ng aming plano ang karamihan sa mga Part D na bakuna nang libre para sa iyo, kahit na hindi mo natugunan ang iyong nababawas o deductible, kung naaangkop.
- Ang babayaran mo para sa insulin – hindi ka magbabayad ng higit sa $35 para sa isang buwang supply ng bawat produktong insulin na sinasaklaw ng aming plano, anumang tier ng pagbabahagi ng gastos ito kabilang, kahit na hindi mo natugunan ang iyong nababawas o deductible, kung naaangkop.
Formulary ng bawat plano
Pumili ng plano para makita ang listahan ng mga gamot na sinasaklaw ng plano. Available ang mga formulary online at sa PDF na format para ma-download. Kakailanganin mo ng Adobe Reader para mabasa ang PDF.
Mga formulary ng Medicare Advantage Prescription Drug Plan (mga listahan ng mga saklaw na gamot)
Blue Shield 65 Plus (HMO) – Los Angeles County, Orange County, San Bernardino County at San Diego County
Blue Shield 65 Plus (HMO) – Kern County at Riverside County
Blue Shield 65 Plus (HMO) – San Luis Obispo County at Santa Barbara County
Blue Shield 65 Plus Choice Plan (HMO) – San Bernardino County at Riverside County
Blue Shield 65 Plus Plan 2 (HMO) – Los Angeles County at Orange County
Blue Shield Advantage OptimumPlan (HMO) – Los Angeles County at Orange County
Blue Shield AdvantageOptimum Plan 1 (HMO) – San Diego County
Blue Shield Inspire (HMO) – Los Angeles County at Orange County
Blue Shield Advantage (HMO) – San Joaquin County
Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) – Los Angeles County at San Diego County
Mga formulary ng Medicare Prescription Drug Plan (mga listahan ng mga saklaw na gamot)
Saklaw Sa pamamagitan ng Sponsor ng Plano
Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP plan na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_25_438A2_C 09252025
H2819_25_438A2_C 09252025
Huling Na-update ang Pahina noong 10/01/2025