Ang Original Medicare ang pundasyon ng saklaw ng Medicare. Mayroon itong dalawang bahagi: Part A (insurance sa kalusugan) at Part B (medikal na insurance). Ang Part B ay may buwanang premium.  Sa pangkalahatan, hindi sinasaklaw ng Original Medicare ang mga reseta.

Dapat kang mag-enroll sa Medicare para masimulan ang saklaw. Kung ikaw ay edad 65 pataas, karapat-dapat kang mag-enroll sa Original Medicare. Karapat-dapat din ang ilang indibiduwal na wala pang edad 65 na may partikular na kapansanan.  

Ang Paunang Panahon ng Enrollment (Initial Enrollment Period, IEP) ay tumatagal ng pitong buwan. Magsisimula ito tatlong buwan bago ka mag-65. Matatapos ito tatlong buwan pagkatapos mong mag-65. Nalalapat ito ikaw man ay mag-retiro sa edad na 65 o kung ikaw ay naka-enroll sa Covered California. 

Sa panahon ng IEP, maaari kang gumawa ng karagdagang pagpipilian tungkol sa saklaw ng Medicare.


Covered California

Kung nakakakuha ka ng tulong mula sa California, maaaring hindi ka na kwalipikado para dito oras na maging kwalipikado ka sa Medicare.1 At kung patuloy kang tatanggap ng tulong pagkatapos ng panahong iyon, maaaring kailanganin mong ibalik ang ilan sa halaga ng pera o ang lahat ng ito. 

Mahalagang talakayin ang iyong mga opsyon. Tumawag sa isang Tagapayo ng Blue Shield Medicare sa (855) 203-3874* para malaman ang higit pa tungkol sa iyong mga opsyon. 


Paano mag-enroll sa Original Medicare 

Tawagan ang Social Security sa (800) 772-1213, 8 a.m. hanggang 7 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Ang mga gumagamit ng TTY ay dapat na tumawag sa (800) 325-0778. Maaari ka ring pumunta sa iyong lokal na Social Security office.

Kung mayroon kang insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng iyong pinagtatrabahuhan o ng pinagtatrabahuhan ng iyong asawa, pag-aralan muna ang iyong mga opsyon bago magpatala para sa Part B. Depende sa iyong saklaw, maaaring hindi mo kailangan ang Part B at maaaring maiwasan ang pagbabayad ng buwanang premium. Tanungin ang iyong administrator ng mga benepisyo o kinatawan ng HR para sa tulong sa pagpili ng tamang opsyon para sa iyo. O tumawag sa Blue Shield of California nang libre sa (855) 203-3874*. Narito kami para tumulong.

 

Paano mag-enroll sa Medicare kapag tapos na ang Paunang Panahon ng Enrollment (Initial Enrollment Period, IEP)

May mga pagkakataon sa labas ng IEP kung saan maaari ka pa ring magpatala. Pero baka kailanganin mong magbayad ng multa dahil sa late na enrollment.


Panahon ng Pangkalahatang Pagpapatala (General Enrollment Period, GEP)

Pahihintulutan ka sa panahon ng GEP na mag-enroll kung hindi ka nakapag-enroll sa panahon ng iyong IEP.

  • Ang GEP ay nagaganap kada taon mula Enero 1 hanggang Marso 31

Maaari kang singilin ng multa dahil hindi ka nag-enroll sa panahon ng iyong IEP


Taunang Panahon ng Enrollment (Annual Enrollment Period, AEP)

Ang AEP ay panahon para magsagawa ng mga pagbabago sa iyong kasalukuyang saklaw.

  • Ang AEP ay bukas kada taon mula Oktubre 15 hanggang Disyembre 7
  • Maaari mong baguhin ang saklaw mo sa Medicare. Halimbawa, paglipat sa isang Medicare Advantage plan o pagdagdag ng isang Medicare Supplement plan
  • Maaari kang mag-enroll sa Medicare sa panahon ng AEP, pero baka singilin ka ng multa dahil lumampas ka na sa iyong IEP


Espesyal na Panahon ng Enrollment (Special Enrollment Period, SEP)

Ang SEP ay walong buwan na panahon para sa pagpapatala sa Medicare Part B kung aalis ka sa saklaw sa grupo, sa employer, o sa unyon.  Ito ay para sa mga taong hindi tumatanggap ng Medicare Part B noong nagpatala sila sa Original Medicare.

  • Magsisimula ang SEP sa buwan pagkatapos na nagwakas ang iyong saklaw sa grupo, sa employer, o sa unyon o ang iyong trabaho. 
  • Kung nag-enroll ka sa Medicare sa panahon ng SEP, hindi mo kailangang magbayad ng multa sa late enrollment

 

Iba pang mga opsyon sa pag-enroll sa Medicare:

May iba pang sitwasyon na nakakaapekto sa iyong pagiging kwalipikado sa pag-enroll.

 

Kumuha ng karagdagang impormasyon

Mag-download ng libreng booklet†

Kumuha ng libreng kopya ng Iyong mga Opsiyon sa Medicare para maunawaan ang iyong mga pagpipiliang saklaw.

Mga video na naglalaman ng impormasyon

Panoorin ang mga nakapagtuturong video para malaman ang tungkol sa Medicare at mga pagpipilian mong saklaw.

Mga madalas itanong

Alamin ang mga sagot sa ilang mga bagay na madalas itanong tungkol sa Medicare.

1 May isang eksepsiyon: kung kailangan mong magbayad ng premium para sa saklaw ng Medicare Part A at hindi ka pa naka-enroll dito, maaaring mong ipagpatuloy ang iyong Covered California na saklaw at ipagpatuloy ang iyong tulong pinansyal. Tawagan ang Medicare para sa higit pang impormasyon sa 1-800-MEDICARE (1-800-633-4227. Ang mga gumagamit ng TTY ay maaaring tumawag sa 1-877-486-2048), 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo, maliban sa mga holiday.

Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.

Y0118_25_381B1_M Accepted 09212025
H2819_25_381B1_M Accepted 09212025

Huling na-update ang pahina: 10/1/2025