Kailangan mo ba ng tulong sa pamamahala sa iyong Blue Shield of California plan? Nasa tama kang lugar. Maghanap ng mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa paggamit ng iyong online na account, pagkuha ng iyong kapalit na ID card ng miyembro ng Blue Shield, pagsusuri sa katayuan ng mga claim, at higit pa. Makahahanap ka rin ng gabay kung paano asikasuhin ang mga apela at karaingan, para mas maayos mong maresolba ang anumang isyu nang may kumpiyansa.

Ano ang available sa account ng Blue Shield na online account?

Pinapadali ng isang online account ang pamamahala ng iyong plano. Puwede mong: 

  • I-download ang iyong digital ID card.
  • Makita ang iyong mga benepisyo at gastos.
  • Maghanap ng mga doktor at espesyalista.
  • Tingnan ang iyong mga record ng kalusugan at mga reseta.
  • Bayaran ang iyong bill, kung angkop.
     

Paano ka magparehistro para sa isang online account o magkaroon ng Blue Shield mobile app?

Maaari kang magparehistro ng isang online account sa aming website.

Ginagawang mas madali ng Blue Shield app na ma-access ang iyong account kapag ikaw ay nasa biyahe. Ang impormasyong ito ay kapareho din sa nakikita sa iyong online account, pero ito ay nasa iyong smartphone. Parehong available ito sa iPhone® at Android. Alamin ang higit pa at i-download ang aming app.
 

Paano ka makakakuha ng kapalit na ID card?

Maaari kang umorder ng kapalit na ID card sa pamamagitan ng iyong online account o sa pagtawag sa Serbisyo sa Customer. At tandaan, palagi mong maa-access ang iyong digital ID card sa iyong online account o sa app. Sa pamamagitan ng app, maaari mong i-download ang iyong ID card sa iyong smartphone wallet.
 

Paano ka mag-sign up para sa mga email at text?

Maaari kang mag-sign up para makatanggap ng mga email at text gamit ang iyong online account. Kung wala kang online account, maaari kang gumawa ng isa. Sa sandaling nakapag-sign in ka na, pumunta sa “Account” at piliin ang Aking profile (My profile). Simula doon, mag-scroll pababa sa "Mga kagustuhan sa komunikasyon" (Communication preferences) para makapili.
 

Ano ang iyong mga karapatan at responsibilidad kung nais mong umalis sa Blue Shield Medicare Advantage Plan, Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP), Medicare Prescription Drug Plans (PDP), o Medicare Supplement plan?

Bagaman ayaw naming mawala ka, nauunawaan naming may mga pagkakataong kailangan mong umalis sa isang plano. Para sa mga detalye sa prosesong ito, maaaring sumangguni ang mga miyembro ng Medicare Advantage Prescription Drug Plan (MA-PD) at Prescription Drug Plan (PDP) sa Ebidensya ng Saklaw (Evidence of Coverage, EOC) ng mga plano at sa kabanata para sa “Pagtapos ng iyong membership sa plano.” Maaaring sumangguni ang mga miyembro ng Medicare Supplement plan sa Buod ng Mga Benepisyo (Summary of Benefits, SOB) ng plano at sa seksyong “Mga kundisyon ng saklaw.” Maaaring sumangguni ang mga miyembro ng Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP) sa Kabanata 8 sa handbook ng miyembro.

Paano ka maghain ng reklamo o apela?

Bilang miyembro ng Blue Shield, makakatiyak ka sa karapatan mong maghain ng reklamo kung mayroon kang mga alalahanin o problema sa kahit anong bahagi ng iyong pangangalaga.

  • Para sa mga miyembro ng MA-PD Plan at PDP, pakibisita ang aming page na Apela at karaingan.
  • Para sa mga miyembro ng Dual Eligible Specialty Needs Plan, pakitingnan ang Kabanata 9 ng iyong handbook ng miyembro
  • Para sa mga miyembro ng Medicare Supplement plan, pakibisita ang page na Paano maghain ng karaingan

Saan ka makakahanap ng higit pang resources ng Medicare?

Ang aming page na mga Resources ay may kapaki-pakinabang na mga link sa mga dokumento ng plano at iba pang mga mapagkukunan ng miyembro.

Kung mayroon ka nang online account, mag-log in para sa personalized na impormasyon tungkol sa iyong mga benepisyo.

Maaari mo ring kontakn ang iyong lokal na broker o tumawag sa isang Tagapayo ng Blue Shield Medicare sa (800) 260-9607 (TTY: 711)*.

Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP plan na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.

Ang iPhone ay isang rehistradong trademark ng Apple Inc. 
Ang Android ay isang trademark ng Google LLC.

Y0118_25_429A1_M Accepted 09212025
H2819_25_429A1_M Accepted 09212025


Huling na-update ang page: 10/1/2025