Ang Original Medicare ay nagbibigay ng pangunahing saklaw para sa ospital at medikal na insurance. Pero mapapansin mo na hindi nito sinasaklaw ang lahat ng serbisyo at supply na kailangan mo. Halimbawa, hindi nito sinasaklaw ang mga gastos sa reseta, pisikal na eksaminasyon, hearing aid, o karaniwang pangangalaga sa mata. Ang magandang balita ay may mga opsyon ka para madagdagan ang iyong saklaw.   

Medicare Supplement plans

Ang isang Medicare Supplement plan (o Medigap) ay makatutulong para mabayaran ang ilan sa mga gastusing hindi saklaw ng Original Medicare. Ang halimbawa ng mga gastos ay copayment, coinsurance, at deductible.

Naghahandog kami ng limang uri ng Medicare Supplement plans. Pinapayagan ka ng bawat plano na pumili ng sinumang doktor, ospital, at provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumatanggap ng Medicare.

May ilang sitwasyon kung saan garantisadong kwalipikado ka na matanggap sa Blue Shield Medicare Supplement plan. Pakibasa ang aming gabay sa Garantisadong Pagtanggap para malaman kung kwalipikado ka.

Gabay sa Garantisadong Pagtanggap (English, PDF, 225 KB)
Gabay sa Garantisadong Pagtanggap (Spanish, PDF, 222 KB)
Gabay sa Garantisadong Pagtanggap (Chinese, PDF, 315 KB)
Gabay sa Garantisadong Pagtanggap (Vietnamese, PDF, 326 KB) 


Medicare Prescription Drug plans (Part D)

Ang mga Medicare Supplement plan ay hindi sumasaklaw sa mga inireresetang gamot. Pero mayroon kang mga available na opsyon. Puwede kang magdagdag ng saklaw para sa mga inireresetang gamot sa pamamagitan ng pagpapatala sa isang Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D). Siguraduhin na saklaw ng pinili mong plano ang iyong mga reseta.
 

Medicare Advantage Prescription Drug plans

Ang Medicare Advantage Prescription Drug plan ay isang Part C plan na pumapalit sa Original Medicare at madalas na may kasamang coverage sa inireresetang gamot. Ang plano ay naghahandog ng:

  • Mga benepisyo ng Original Medicare (insurance sa ospital at medikal na insurance)
  • Coverage sa iniresetang gamot
  • Iba pang benepisyong hindi saklaw ng Medicare tulad ng allowance para sa salamin sa mata, frame, at contacts

Marami sa mga Medicare Advantage Prescription Drug Plan ay walang buwanang premium ng plano. Karamihan ay humihiling lang ng copayment kapag nakatanggap ka ng saklaw na serbisyo o gamot. Gayunpaman, ang ilan sa mga plano ay may taunang limitasyon.

Kabilang sa iba pang karaniwang uri ng Medicare Advantage Plans ang:

  • Mga Medicare Advantage HMO na walang Medicare Part D na coverage sa iniresetang gamot
  • Medicare Preferred Provider Organizations (PPOs)
  • Medicare private fee-for-service plans
  • Medicare special needs plans

Makakahanap ka ng higit pang impormasyon tungkol sa mga ganitong uri ng mga plano sa medicare.gov.
 

Dual Special Needs Plans (D-SNP)

Ang Dual Special Needs Plan (D-SNP) ay isang uri ng Medicare Advantage Plan na sumasaklaw sa mga benepisyo ng Medicare Part C at Part D pero sumasaklaw din at nangangasiwa ng mga programa at serbisyo ng Medi-Cal. 

Dapat ay kwalipikado ka sa Medicare at Medi-Cal at hindi ka magkakaroon ng premium, deductible, copayment, o coinsurance para sa mga saklaw na serbisyo.

Ano ang mga plano na inihahandog ng Blue Shield of California?

Ginagawang madali ng Blue Shield of California ang pagpili ng tamang saklaw sa kalusugan. Naghahandog kami ng Medicare Supplement plans at stand-alone na Medicare Prescription Drug Plans sa buong estado ng California.  Naghahandog din kami ng Medicare Advantage Prescription drug plans sa mga piniling county sa California. Marami kang pagpipilian na akma sa iyong pangangailangan at budget.

Kumuha ng karagdagang impormasyon

Kumonekta sa amin

Alamin ang sagot sa iyong mga tanong tungkol sa Medicare. Tawagan ang isang tagapayo ng Blue Shield Medicare sa (800) 260-9607* (TTY: 711) o mag-book ng appointment online. Hindi ka obligadong mag-enroll.

Sumali sa isang event ng Medicare

Dumalo sa libreng live o online na seminar para matuto pa tungkol sa Medicare at masagot ang mga tanong mo. 

Mag-download ng libreng booklet†

Kumuha ng libreng kopya ng Iyong mga Opsiyon sa Medicare para maunawaan ang iyong mga pagpipiliang saklaw.

Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.  

Y0118_25_381B1_M Accepted 09212025
H2819_25_381B1_M Accepted 09212025

Huling na-update ang pahina: 10/1/2025