Ang saklaw ng Medicare na ginawa para sa iyo
Misyon ng Blue Shield of California na tiyaking ang lahat ng taga-California ay may access sa mataas na kalidad ng pangangalagang pangkalusugan.
Tuklasin ang mga plano sa iyong lugar
We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.
Kumbinyente at abot-kaya: Ginawa ang mga plano na may mga abot-kayang benepisyo at mga katangian, at nakabatay sa mga pangangailangan sa pamumuhay. Ang mga Opsyonal na Karagdagang Dental HMO at PPO plan para sa karamihang miyembro ay may kasamang karagdagang saklaw para sa ngipin.
Kalayaan at pagpili: Iniaalok ng ilan sa mga plano namin ang higit pa kaysa sa mga karaniwang benepisyo na may mga karagdagang benepisyo gaya ng allowance para sa over-the-counter (OTC) na mga item, mga hearing aid, mga serbisyo para sa paningin, pag-access sa Teladoc Health at iba pa, depende sa Blue Shield Medicare Supplement plan na pipiliin mo.
Pagsaklaw sa iyong mga reseta: Nag-aalok ang Blue Shield ng plan para sa saklaw na mga resetang gamot para sa mga miyembro ng Original Medicare o Medigap. Kabilang sa mga iniaalok nito ang pagbabayad ng hindi hihigit sa $35 para sa isang buwang suplay ng insulin, $0 na bakuna, at limitasyon sa gastos na babayaran mula sa sariling bulsa.
Kung kwalipikado ka para sa Medicare at Medi-Cal: Pinagsasama ng planong ito ang saklaw ng iyong Medicare at Medi-Cal para maging isang plano na madaling pamahalaan. Nag-aalok ito ng ekstrang benepisyo para masuportahan ang iyong pangangalaga kasama na ang pagkakaroon ng personal care coordinator at mga benepisyo para sa ngipin, paningin, at pandinig. Available sa mga county ng Los Angeles at San Diego.
Nauunawaan namin kung gaano kahalaga na manatili sa iyong doktor. Ang aming mga Medicare Supplement plan ay nagbibigay ng saklaw at mga serbisyo mula sa sinumang doktor at ospital na tumatanggap ng Medicare. Sa Blue Shield, ang aming mga MAPD plan ay may isa sa pinakamalalaking network ng mga doktor at ospital sa California. Alamin ang pinakabagong listahan ng mga provider sa aming direktoryo ng provider.
Hayaan ang Blue Shield of California na tulungan kang gawing mas madali ang pagpili ng Medicare plan. Tuklasin ang mga planong nagbibigay sa iyo ng pagkakataong magamit ang mga benepisyong pinakamahalaga sa iyo.
Tawagan kami sa 844-345-8052 (TTY: 711)* para makausap ang isang Blue Shield Medicare Advisor, o mag-book ng iyong appointment online sa oras na kumbinyente sa iyo.
Ang mga Blue Shield Medicare Advantage plan ay ginawa para gawing mas madali ang pagkamit ng iyong mga layunin sa kalusugan. Sinasaklaw namin ang Taunang Pagbisita ukol sa Wellness o Kagalingan, SilverSneakers, iba't ibang gamot, maraming screening test, at iba pa.
Dumalo sa isang Medicare event na ginaganap nang personal sa iyong lugar o sa isang online webinar para matuto pa tungkol sa mga Blue Shield Medicare plan at masagot ang iyong mga tanong.
Kumuha ng libreng kopya ng "Ang Iyong Ginagabayang Landas sa Medicare" para maintindihan ang mga puwede mong pagpiliang saklaw.
Maghanap ng plano sa iyong lugar
We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.
Narito ang aming dedikadong team para matiyak na makukuha mo ang saklaw na kailangan mo. Tawagan kami sa 844-345-8052 (TTY: 711)* para makausap ang isang Blue Shield Medicare Advisor, o mag-book ng appointment online.
1 Ang Blue Shield of California ay #1 sa market share para sa mga indibidwal na Medicare Supplement plan sa California noong 2021, 2022, 2023, 2024, at 2025 ayon sa data ng estado at market share data na ibinibigay taun-taon ng Mark Farrah Associates, isang tagapagsama-sama at tagapaglathala ng data.
Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP plan na may kontrata sa Medicare at may kontrata rin sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_26_154A_M Tinanggap 07272026
H2819_26_154A_M Tinanggap 07272026
Huling na-update ang pahina: 7/27/2026